Miyerkules, Marso 6, 2013

Ako si TRAPOLITIKO


Iboto si TRAPO (Traditional Politician) Ko
   By : Cadree Aktibista
Ako si Trapo Ko. Gwapito III.
Kumakanditado bilang gobernador ng Probinsya Gwapito del sur. Anak ng dating Congressman
Dating Mayor ng aming munisipyo, matapos mapalitan ng aking nakakatandang kapatid. Tumigil lang aku ng saglit sa politika dahil nag kastroke ako pero sa awa ng diyos pinagaling niya ako kasi alam niyang kaylangan ko pang maglingkod  sa masa at  ngayon nagkaloob akung kumandidato dahil sa tiwala na binigay ng mga tao sa akin.
Nagkaraang taon nagpaparamdam na ako (wag kang maiingay ha?) sa gilid ng mga kalye nagpapalagay ng mga tarpaulin na bumabati ng “happy graduation” sa mga nagtatapos, maligayang pasko” nung nakaraang pasko.  Katabi nga ng tarpaulin ko ang mukha din ng asawa ni Sen. Villar. Napapakinggan din ako sa lahat ng  linya ng radyo sa probinsya. Sabi nila premature campaign ang ginagawa ko pero wala na mang masama sa bumabati at sa nagpaparamdam (bakit may nakakaalam ba?), wala naman akong nilalabag na batas ng comelec. Masaya nga ako kahit sa ganyang paraan mapasaya ang mga tao at may bumabati sa kanila.. Noong isang buwan nag organisa aku ng libreng gamutan at tuli sa lahat at may kasali pang dalawang kilong bigas at tatlong sardinas. Nag abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Pinangako ko sa kanila kapag ako’y kakandidato at mananalo sa halalan, marami akung gagawing proyekto para sa mahirap, tutulongan ko silang maka ahon sa kahirapan at dadalhin ko sila sa tuwid na daan. (kapartido pala kami ni Pnoy sa liberal kaya malakas ang kapit ko). Matatapos na din ang kalsada na proyekto ko, upang makakadaan ng maayos at ligtas ang mga motorist at byihero.(may pangalan ko pa nga sa gilid DONATED BY : TRAPO GWAPITO III)
            Noong kasagsagan ng pagrerehistro may inaabot akong pagkain (pack lunch at C2 ‘yon) habang pumipila ang mga tao sa comelec. ( kawawa naman mahaba ang pila, mainit diba kaya ‘yun nag bigay din ako ng envelop na may lamang papel sekreto lang to ha? Pera yun, Hindi ko nilagay ang presyo iba iba kasi pero ang pinaka maliit na naibigay ko ay 100php). Ayon natuwa din ang mga kabataan sa ginawa ko kasi natutulongan daw sila at kahit sa ganung paraan daw may nakukuha na walang hirap.(tama nga naman!)
Sa makatuwid galing ako sa mayamang pamilya pero nangingibawbaw pa rin yung  interest para sa tao. Isa kami sa pinakamalaking nagmamay ari ng kalupaan sa Mindanao “landlord” ang tawag sa amin.(hindi ko na sabihin kung ilang hektarya, baka mabuko pa ng DAR). Binili na ng lolo ko sa mga nitibo (I’Ps) ang lupa sa presyong sampung daang libo. Nasa angkan at dugo na namin ang pamumulitiko. Dating Congressman ang Lolo ko tumigil na siya politika dahil sae edad. Pumalit sa kanya ang tito ko at ngayon kakandidato ulit bilang congressman. Vice- Mayor din ang asawa ko at matatapos na din ang termino niya (sabi nya magpapahinga muna daw) at papalit sa kanya ang kapatid ko (Iboto Epal Gwapito pagkaMayor). Kakandidato din pagka kunsihal ang isang anak ko at ang tita ko din magkokonsihal. Barangay Chairman ang isang tito ko at nanalo ang anak niya pagka SK Chairman. (isang buong dynasty ang nagsisilbi sa bayan.) Naging traditisyunal natu sa pamilya naming ang papasok sa politika. (kinakalaban ito ni Senator Merriam Defensor pero hindi maisa batas dahil mismo ang pamilyang Aquino-coquanco  ay kabilang sa political dynasty, Malabo ang gustong mangyari ni defensor. Naging tradisyunal natu ng mga Pilipino at nasasanay na sila sa ganitong politika.). Minamahal at  nagtitiwala pa din sa amin ang mga tao dahil sa serbisyong totoo
Nagakapag aral ako sa mamahalin at magandang paaralan( ayaw ko nang pangalanan) mapa elementary, sekondarya at kolehiyo. Subalit may mga bagay ngang hindi inaasahan mangyari ito ay hindi ko pagtapos ng kolehiyo ngunit hindi ito balakid at hadlang para paglingkuran ko ang mga tao. Ang mahalaga  ang tunay na serbisyo na kinakaylangan ng mga tao.  (nga pala HRM ang kurso ko, hanggang II year. Bukal sa loob kung huminto sa pag aaral kasi nararamdaman kung oras na para pumasok sa politika at alam kong kaylangan na ang isang katulad ko para mag lingkod sa  mga tao. Alam ko namang dito din ang landas ko ang pamumulitiko. Nakikita nyo naman siguro kong saan ako galing na pamilya. At isa pa wala namang batas na nagbabawal tumakbo ang mga hindi nakatapos. kahit nga elementary at sekondarya lang natapos mo! Pwde kang kumandidato. Kahit nga “no read, no write ka pa” pwedeng  kang tumakbo pagkapresidente. May iilan ngang senador na hindi marunong mag ingles at copy paste ang mga sinasabi sa kamara. Alam ko namang alam niyo ang tinutukoy ko si Sen. Sotto. May iilan ding senador na katagal tagal na sa senado wala pang naisasabatas, pero hindi ‘yan ang pinuponto ko. Ang sa akin ang kapangyarihan at kaban ang mahalaga. Hindi na ‘yan uso sa mga politiko, karamihan sa amin may mgapersonal na pakay. Nagpapabango lang lang ako sa publiko para botohin.)
Kasagsagan na pala ng kampanya kumakalat na ang mga posters, flyers, tarpaulin. Nagsisimula na ding mangampanya ang mga tatakbo iba’t ibang stratehiya ng mga politiko. May iilang politiko ginagamit ang media para sa pangangampanya. Nansilabasan na ang mga proyekto , mga donasyun, at mga programa para kunin ang tiwala ng masa. Gaya ko, epektibo talaga ito.
(at syempre, ang dating gawi. Mamimigay ako ng pera sa darating na eleksyon. Maghahakot ng mga tao galing sa ibang lugar para makaboto at ang paborito kong buhayin ang mga patay para makaboto. Tinitiyak kong ako ang mananalo.)
Muli, Halalan2013 na ngayong Mayo 10. Botohin na ang mga karapat dapat sa posisyon, gamitin ang karapatang bomoto at makapili. At pinapangako ko ang kaginhawaan sa buhay at paglutas ng kahirapan sa ating probinsya.
Wag kaligtaang markahan ang bilog na hugis ihog ni Trapo Gwapiti III.
Para sa tunay at tuwid na serbisyo!
IBOTO AKO  TRAPO GWAPITO.#






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento